Rabusa pinaaalis sa Witness protectionÂ
MANILA, Philippines - Hiniling ng isang retiradong state auditor sa Department of Justice na alisin si whistleblower Col. George Rabusa sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) at sa halip ay isama ito sa kasuhan sa naging partisipasyon nito sa multi-milyong anomalya sa AFP.
Sinabi ni former State auditor Arturo Besana sa isang open memorandum, na dapat alisin si Rabusa sa WPP at sa halip ay makasuhan din ito.
“Why Rabusa placed under the WPP program? Rabusa was involved in scheme aimed at looting the military’s coffers. He admitted having P200 million deposit in a private bank, pocketed P500,000 as private allowance, amassed illegally an additional P17 million and was charged by the Ombudsman for lying, for dishonesty, for grave misconduct, for conduct unbecoming of a public officers and for violation of the anti-graft and corrupt practices act,” wika ni Besana.
Aniya, ang paglalagay kay Rabusa sa WPP ay tila lumikha ng isang Frankenstein ang handler ng dating military budget officer na sisira sa institusyon at sa bansa.
Inakusahan din ni Besana si Rabusa ng blackmail at extortion dahil sa ginagawa nitong mga pagbubunyag.
Sa pagdinig kahapon sa DOJ, binigyan ni Prose cutor General Claro Arellano ang respondents ng 10 araw upang magsumite ng kanyang counter-affidavit at 3 araw para magsumite ng kanyang manifesto.
Iginiit ng 1 sa mga defense lawyer na si Atty. Edgar Avila na kinakatawan si Col. Robert Arevalo na ang testimonya ni Rabusa ay defective at dapat nagbayad si Rabusa ng P21 milyong filling fee.
Inatasan din ni Arellano ang mga dating AFP chiefs na magsumite ng kanilang sagot kaugnay sa alegasyon ni Rabusa laban sa kanila.
- Latest
- Trending




















