Magniniyog nagpakalbo vs coco levy fund decision ng SC
MANILA, Philippines - Sampung magniniyog ang nagpakalbo kahapon bilang protesta upang ipakita ang matinding pagkondena sa naging desisyon ng Korte Suprema sa coco levy fund.
Sa desisyon ng SC, idineklara nitong legal na pagmamay-ari ni Danding Cojuangco ang 20 percent na shares sa San Miguel Corporation na sinasabing binili sa pamamagitan ng coco levy.
Ayon kay Joey Faustino, executive director ng Coconut Industry Reform Movement, hindi katanggap-tanggap sa kanilang hanay ang naging teknikal na basehan ng Korte Suprema sa desisyon nito na nabigo ang prosekusyon na mapatunayang Marcos crony si Cojuangco.
Iginiit ni Faustino na dapat maibalik sa mga magniniyog ang coco levy dahil dugo at pawis ang puhunan nila dito.
Kaugnay nito, balak na ipadala ng naturang grupo sa Korte Suprema ang mga buhok na ginupit sa mga nagpakalbong magniniyog bilang bahagi ng kanilang protesta.
Pinag-aaralan na rin umano ng naturang grupo ang susunod na hakbang para ipilit ang karapatan ng mga coconut farmers sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration hinggil dito.
- Latest
- Trending





















