MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng tanggapan ng Ombudsman na busisiin si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal- Arroyo hinggil sa pagkakasangkot nito sa kontrobersiyal na P728-million fertilizer fund scam.
Inisnab ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro ang mosyon ng kampo ni GMA na ipawalang-bisa ang rekomendasyong kasuhan ng plunder ang dating chief executive hinggil dito dahil sa umano’y kakulangan ng ebidensiya pero ngayon ay pinabubusisi na ito ni Casimiro dahil sa may direct control si Arroyo sa pagtupad sa tungkulin nina dating Agriculture Secretary Luis Lorenzo at Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante na una nang pinakasuhan ng Ombudsman dahil sa naturang scam.
Binigyang aksiyon ni Casimiro ang reklamo na naisampa sa Ombudsman nina Kilusang Magbubukid ng Pilipinas lawyer Francisco Chavez na humihiling na maisama sa plunder case si Arroyo hinggil sa naturang anomalya.
Ang kaso ay nag-ugat nang ang P728 milyong halaga ng abono para sa mga magsasaka ay nagastos daw ni Arroyo sa kandidatura nito noong 2004.