^

Bansa

GMA sisiyasatin na!

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng tanggapan ng Ombudsman na busisiin si da­ting Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal- Arroyo hinggil sa pagkakasangkot nito sa kontro­bersiyal na  P728-million fertilizer fund scam.

Inisnab ni Acting Om­budsman Orlando Casimiro ang mosyon ng kampo ni GMA na ipa­walang-bisa ang rekomendasyong kasuhan ng plunder ang da­ting chief executive  hinggil dito dahil sa umano’y kakulangan ng ebidensiya pero nga­yon ay pinabubusisi na ito ni Casimiro  dahil sa may direct control si Arroyo sa pagtupad sa tungkulin nina  dating  Agriculture Secretary Luis Lorenzo at Undersecretary Jo­celyn “Joc-Joc” Bolante na una nang pinakasuhan ng Ombudsman dahil sa natu­rang scam.

Binigyang aksiyon ni Casimiro ang reklamo na naisampa sa Ombudsman nina Kilusang Magbubukid ng Pilipinas  lawyer Francisco Chavez  na humihiling na maisama sa plunder case si Arroyo hinggil sa naturang anomalya.

Ang kaso ay nag-ugat nang ang P728 milyong halaga ng abono para sa mga magsasaka ay nagastos daw ni Arroyo sa kandidatura nito noong 2004.

ACTING OM

AGRICULTURE SECRETARY LUIS LORENZO

CASIMIRO

FRANCISCO CHAVEZ

GLORIA MACAPAGAL

KILUSANG MAGBUBUKID

ORLANDO CASIMIRO

PAMPANGA REP

SHY

UNDERSECRETARY JO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with