^

Bansa

All-out war vs nagyo-yosi

-

MANILA, Philippines - Inatasan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga tauhan ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) at mga barangay police na hulihin ang mga taong lalabag sa “smoking ban” na sini­mulang ipatupad noong Biyernes.

Magiging kaagapay ng RDPSTM at ng mga barangay police sa pagpapatupad ng smoking ban sa mga pampublikong lugar sa buong lungsod ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Mayor Echi­verri, walang sisinuhin ang mga naatasang ahen­siya na hulihin ang mga la­labag sa smoking ban da­hil isa itong paraan upang mabigyan ng tamang disi­plina ang mga residente sa kanilang paninigarilyo.

Nagbabala naman si Recom sa mga magpapatupad ng smoking ban na huwag gawing “gatasan” ang naturang batas ka­sabay ng pagpapaalala nito sa mga mahuhuling “yosi kadiri” na huwag mag-atu­biling magsumbong sa tanggapan ng alkalde kapag may nanghuli na umabuso sa kanilang kapangyarihan.

AYON

BIYERNES

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

MAYOR ECHI

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

RECOM

REFORMED DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with