$400 minimum wage sa OFWs sa Saudi pinanindigan
MANILA, Philippines - Sa kabila ng banta nang pagpapatupad ng “Saudization policy” sa Saudi Arabia, nanindigan kahapon ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa posisyon ng Pilipinas na panatilihing $400 (P17,200) minimum salary ang dapat tanggapin ng mga overseas Filipino workers sa nasabing bansa.
Sa ilalim ng Saudization, ang mga Saudi nationals na ang bibigyang prayoridad ng gobyerno ng Saudi na mabigyan ng trabaho habang ang mga OFWs o iba pang foreign workers na nanatili at nagtrabaho sa Saudi ng anim na taon ay hindi na mabibigyan ng work visa.
Ipinatupad ng Saudi Labor Ministry ang nasabing polisiya noong Sabado at nagpadala na umano ng isang “note verbal” sa Department of Foreign Affairs na nagbibigay abiso sa kanilang labor policy.
Sa kabila nito, iginiit ng Embassy na ang minimum wage ng mga OFWs sa Saudi ay nakasaad sa “terms and conditions” ng Household Service Workers (HSWs) Reform Package na siyang sinusunod sa labor department na ipinatuapd pa noong 2007.
Nais ng Saudi government na mula sa $400 ay bababaan nila ng $240 minimum salary kada buwan ang tatanggaping sahod ng mga HSWs.
- Latest
- Trending