P1-B bigay ng PAGCOR sa DepEd
Manila, Philippines - Naglaan ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ng P1 bilyong pondo para sa pagtatayo ng 1,000 silid-aralan sa public elementary at high schools sa buong bansa.
Ayon kay Pagcor Chairman at CEO Cristino Naguiat, ang proyektong ito na tinawag na “Matuwid na Landas sa Silid-Aralan” ay pagtutulungang maipatupad kasama ang Department of Education (DepEd).
Anya, kakailanganin din ang tulong ng non-government organizations sa pagtatayo ng mga silid-aralan bilang pagtalima sa standards at specifications ng DepEd.
“It was Pagcor’s “biggest project ever,” the agency’s contribution to President Benigno Aquino III’s national program to improve the quality of education in the country..“ pahayag ni Naguiat.
Sa pamamagitan anya ng mga hakbanging ito ay umaasa ang Pagcor na matulungan ang pamahalaan na maresolba ang problema ng pamahalaan sa kakulangan ng mga silid aralan sa bansa.
Inaasahan nito na ang 1,000 classrooms ay kumpleto at magagamit na ng mga mag-aaral sa susunod na pasukan na higit na kailangan ng tumataas na bilang ng mga estudyante taun-taon.
Sinabi ni Naguiat na ang paglalaan ng pondo ng ahensiya sa proyekto ay naipatupad bunga ng mahusay na performance ng Pagcor sa unang limang buwan ng 2011 nang makalikom ng malaking pondo mula sa natipid sa operating expenses mula July 2010.
Ang revenues ng ahensiya noong nakaraang buwan ay umaabot sa P3.03 bilyon.
- Latest
- Trending