OFW na nasa death row sa Saudi, umapela kay PNoy
MANILA, Philippines - Umapela kahapon ang isang OFW kay Pangulong Aquino na tulungan siyang makaligtas sa tiyak na kamatayan sa pamamagitan ng paglikom ng “blood money” o “diyya” kapalit ng kanyang kalayaan sa Saudi Arabia.
Sa pamamagitan ng text messages sa Migrante-Middle East, alyansa ng mga grupong OFWs, sinabi ni Rodelio “Dondon” Lanuza na “For info po, kausap ko lang now ang head ng Saudi Reconciliation Committee (SRC) informing me na wala daw dumalo sa meeting last night from our embassy. Four (4) months na akong napatawad ng aggrieved party on the promised na iaabot ang agreed amount of ‘blood money’
Sa rekord ng Saudi court, si Lanuza ay nahatulan ng bitay noong 2000 matapos nitong mapatay ang isang Saudi national dahil sa pagtatanggol sa sarili hanggang sa makulong sa Dammam Central Jail.
Noong 2003, ang pamilya ng napatay ni Lanuza ay hindi naglabas ng ‘affidavit of dessistance” na ang ibig sabihin ay pinapatawad na nila si Lanuza kapalit ang diyya, pero ‘di naging matagumpay ang usapang ito.
“Nangako din ang embassy sa SRC na within two months maiaabot nila ang ‘blood money’ to the aggrieved party pero 4 months na po ang nakalipas walang pang ginagawa ang embassy to help me raised the amount for blood money,” ayon kay Lanuza.
Nangangamba si Lanuza na baka magbago na ang isip ng pamilya ng biktima at hindi na siya pagbigyan sa pagbibigay ng blood money kapalit ng kanyang kalayaan.
- Latest
- Trending