LTO nagbayad sa kumpanyang walang kontrata, kinuwestiyon

MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng Fe­de­­ration of Jeepney Ope­­rators and Drivers Ass­o­­ciation of the Philippines (Fejodap) kung bakit na­babayaran ng Land Transportation Office (LTO) ang Mega Corporation sa serbisyo nito sa ahensiya sa paggawa ng drivers license gayung wala naman itong kontrata.

Ikinatwiran ni Zeny Maranan, pangulo ng Fejodap, may 250,000 strong members nationwide, na kung ang Mega Corp. na walang kontrata ay nababayaran ng LTO, mas kailangang baya­ran nito ang serbisyo ng Strad­com Corp. dahil may kontrata ito sa ahensiya bilang IT provider.

Nababahala si Maranan na kung ipagpi­pilitan ni LTO Chief  Vir­gie Torres na huwag bayaran ang Stradcom at tumigil amng serbisyo ng Stradcom ay balik sa makinilya ang proseso ng papeles sa LTO at sila umano ang unang apektado dahil tiyak ti­tindi na naman umano ang red tape.

Nanawagan si Mara­ nan kay incoming  DOTC Secretary Mar Roxas na kastiguhin si Torres dahil mistulang isa na siya sa sinasabing sakit ng ulo ng Pangulo.

Pinarating din nito kay Pangulong Aquino na pakinggan naman ang saloobin ng transport group pagdating sa sistema ng pamamalakad sa LTO ni Torres dahil sila ang mga stakeholders na nakakaramdam ng mga hindi umano magandang gi­na­gawa ni Torres sa LTO.

Show comments