^

Bansa

'No mining' sa Romblon suportado ng DENR, DILG

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Maigting na sinuporta­han ng dalawang matataas na miyembro ng Gabinete ang panukalang batas na nagdedeklarang “no mining zone” ang lalawigan ng Romblon na iniakda ni lone district Rep. Eleandro Jesus Madrona.

Ipinahayag nina Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje at Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na mahigpit nilang ipatutupad ang ban sa pagmimina sa naturang lalawigan.

Ang House Bill No. 4815 ni Madrona na naglalayong ideklara ang buong probinsya ng Romblon bilang no miniing zone ay inaprubahan na kamakailan sa ikalawang pagbasa sa plenaryo na nangangahulugang lahat ng aktibidad na may kinalaman sa pagmimina ay nalalapit nang maipagbawal nang tuluyan sa Romblon.

Kapag naisabatas ang panukala, nahaharap sa parusang pagkakabilanggo na anim hanggang 12 taon at multang P100,000 hanggang P500,000 ang sinumang lalabag.

Tiniyak ni Paje na hindi nila lalagdaan ang anumang mining permit sa Romblon habang sinabi naman ni Robredo na pakikilusin niya ang pulisya para tumulong sa pag-iimplementa ng mining ban.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Robredo na aatasan niya ang provincial police office para mahigpit na ipatupad ang ban at makipagkooperasyon sa local government units.  

Nais din ni Robredo na magkaroon ng maayos na plano para sa alternatibong kabuhayan ng 500 pamil­yang umaasa sa small-scale mining operations sa Magdiwang town sa Sibuyan Island.  

Ayon kay  Odiongan town councillor Dominador Bantang, ang mga residente ng Romblon ay tatlong beses nakaiskor sa maagang pagpapasa ng Madrona bill at sa suportang ibinigay nina Paje at Robredo na parehong nangakong ipapatupad ang mining ban.

AYON

DOMINADOR BANTANG

ELEANDRO JESUS MADRONA

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SECRETARY RAMON PAJE

HOUSE BILL NO

PAJE

ROBREDO

ROMBLON

SIBUYAN ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with