^

Bansa

Memo ni de Jesus 'di raw alam ng Malacañang

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Ikinagulat ng transport groups ang pahayag ng Malakanyang na hindi nito nalaman na may memo request si outgoing DOTC Sec. Ping de Jesus kay Pa­ ngulong Noynoy Aquino na humihiling na idisiplina si LTO Chief Virginia Torres.

Noong April 6, 2011 nagpadala ng memo request si de Jesus kay Pa­ ngulong Aquino na nilagdaan ng Kalihim sa pamamagitan ni Executive Secretary Paquito Ochoa na humihiling na disiplinahin si Torres dahil kailangan nang bayaran ang IT provider sa serbisyo nito dahil ang taumbayan ang malamang na maapektuhan sakaling maputol ang serbisyo nito.

Kasama dito ang re­quest ni Asst. Secre­ta­ry Raquel Desiderio na nagre-rekomendang bayaran na ang IT provider na siyang nagseserbisyo sa kasalukuyan para sa interes ng taumbayan bagay na hindi umano ginawa ni Torres bago magbakasyon.

Kinondena din ni Maranan ang uma­no’y hindi pagkilos ng Department of Jus­ tice, Ombudsman at ng tanggapan ng Pangulo sa samut saring administrative at criminal cases na naisampa kay Torres.

Bunsod nito nanawagan si Maranan na pakinggan nito ang saloobin ng mga stakeholders.

“Pakinggan mo kami Pa-ngulong Aquino, kalimutan mo muna ang kaibigan sa bagay na ito dahil kami ang apektado dito, ayaw talaga namin kay Torres kasama ng halos lahat ng transport groups dahil kami ang apek­tado dito at ang taumbayan, wala kaming magandang nakita na ginawa sa amin ni Torres,” pagtatapos ni Maranan.

AQUINO

CHIEF VIRGINIA TORRES

DEPARTMENT OF JUS

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO

MARANAN

NOONG APRIL

NOYNOY AQUINO

RAQUEL DESIDERIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with