^

Bansa

8 suspek sa pagpatay timbog ng Valenzuela City Police

-

MANILA, Philippines - Nadakip sa isang ma­lawakang manhunt ope­ration ng Valenzuela City Police sa katimugang Leyte at Davao City ang pito sa siyam na mga suspek sa pagpatay sa isang Chinese national na kinila­lang si Wang Wen Xing a.k.a. “Jeffrey Ong.”

Ang mga naaresto ay kasalukuyang nakapiit nga­yon sa Valenzuela City Police­ Station (VCPS) bun­sod ng pagnguso sa kanila ng kanilang kasamahang si Isagani Sobre­todo na naunang naaresto nitong Hunyo 12. 

Si Jeffrey Ong, 31, na tubong Fuijian province sa China ay stay-in manager ng Cosang Plastic Manufacturing na matatagpuan sa 9 Sigma St., Don Pablo Subd., Barangay Rincon, Valenzuela City. 

Sa inisyal na imbestigas­yon, isang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at mga suspek ay nagsimula noong Hunyo 1, matapos ianunsyo ng una na ititigil na ang ope­rasyon ng Cosang Plastic Manufacturing. Nakiusap ang mga tra­bahador sa may-ari para sa fare as­sistance na ma­laon ay ti­nanggihan.

Noong Hunyo 7, ang mga stay-in workers na kinabi­bilangan ng mga suspek ay binilinang bakantehin na ang kanilang mga barracks. Bandang alas-4:30 ng hapon noong Hunyo 11 ay nakitang bangkay si Ong. Ang mga suspek na pawang mga stay-in sa kompanya ay hindi matagpuan at di umano’y wala na ang kanilang mga gamit.

Sa follow-up at pursuit operations ay nasakote si Sobretodo sa Caloocan City noong Hunyo 12. Ina­ min nitong isang linggo bago madiskubre ang bangkay, pinagplanuhan nilang nakawan at patayin ang biktima ngunit itinangging isa siya sa mismong pumatay rito. 

Dito na nagawang ma­ tunton ng mga imbestigador si Joselito Andres, kapatid ng suspek na si Michael Andres Piedad, na umaming nagtungo ang kanyang kapatid sa Davao City.

Pinangunahan ni Police Chief Insp. Danilo S. Bugay ang Davao team samantalang si Police Insp. Roden Tejuco naman ang nanguna sa grupong pa-Southern Leyte. Noong Hunyo 13, nakatanggap ng impormasyon na ang suspek na si Michael Andres ay sumuko kay Vice Mayor Rodrigo Duterte ng Davao City.

Ang grupo naman ni P/Insp. Roden Tejuco, matapos ang ko­ordinasyon sa Provincial Police Office ng Leyte ay naaresto sina Edgardo Sa­bandal Camanso, Jr., Joel Epis Sabandal, Jerry Sabandal Pacaldo, Jr., Nelson C. Sabandal, Ryan B. Fernandez at Wilson P. Dait.

Isang manhunt naman ang tumutugis sa isa pang suspek na si Reagan Arboneda.

Pinuri naman ni Mayor­ Sherwin T. Gatcha­lian ang VCPS sa isa na namang tagumpay laban sa krimen at pagkakahuli ng mga salarin. 

vuukle comment

BARANGAY RINCON

CITY

DAVAO CITY

HUNYO

NOONG HUNYO

RODEN TEJUCO

SHY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with