^

Bansa

Paggamit ng asbestos bawal na

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng panganib sa kalusugan at kapaligiran, umapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa tuluyan pagbabawal ng paggamit ng asbestos sa bansa. Ayon kay Labor acting Secretary Danilo Cruz, ang mga programang laban sa paggamit ng asbestos ay kabilang sa international trade na gaganapin sa Geneva, Switzerland.

Suportado aniya ng Bureau of Working Conditions ang panawagan ng DOLE na igiit sa nasabing convention sa Switzerland na isama na sa listahan ng mga delikadong kemikal ang asbestos upang magkaroon ng legal embargo laban dito sa global level. Nabatid na tuloy-tuloy pa rin ang pag-aangkat ng asbestos sa bansa na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang construction materials tulad ng fiber cement board, tiles, at iba pa.

ASBESTOS

AYON

BANSA

BUNSOD

BUREAU OF WORKING CONDITIONS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

NABATID

SECRETARY DANILO CRUZ

SUPORTADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with