^

Bansa

Pinoy absuwelto sa pagpatay sa American couple sa HK

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pinoy na dating kasambahay ang inabsuwelto ng korte sa Hong Kong matapos na mapatunayang walang kasalanan sa pagkamatay sa  isang American couple noong 2003.

Base sa report na tinanggap ng DFA, matapos ang dalawang araw na deliberasyon ng HK High Court ay napatunayang walang sala ang akusadong Pinoy na si Magno Cruz Manalili, 41-anyos, hinggil sa paratang na siya ang sumaksak at pumatay sa mga biktimang sina Ng Ka-mong at Sun King-man, kapwa 54-anyos, at kapwa guro sa isang Chinese school at mga American expatriate.

Matapos ang 23-oras na deliberasyon noong Hunyo 8 ay nakita umano ng 7-man jury na klaro sa nasabing krimen ang nasabing Pinoy helper.

Itinanggi ni Manalili sa korte na siya ang pumas­lang sa dalawang bik­tima na natagpuang may tama ng 10 saksak sa katawan sa loob ng kanilang taha­nan sa Ping Tau Village at itinago ang kanilang mga bangkay sa isang storeroom, may walong taon na ang nakalilipas.

Nakita ng korte na na­ging maganda ang re­lasyon ng nasabing Pinoy helper sa kanyang mga employer.   

DEPARTMENT OF FOR

HIGH COURT

HONG KONG

HUNYO

MAGNO CRUZ MANALILI

NG KA

PING TAU VILLAGE

PINOY

SUN KING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with