Pinay inaresto sa pagpatay sa utol ng amo sa Lebanon

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ng tulong sa administrasyong Aquino ang pamilya ng isang Pinay domestic helper na inaresto dahil sa pagpatay umano sa kapatid ng kanyang amo sa Lebanon.

Sa report ng Bombo Radyo, nahaharap sa kasong murder ang Pinay na nakilalang si Robina Samoranos, isang undocumented worker at tubong Capoocan, Leyte matapos umano nitong mapatay ang kapatid ng amo na si Rosemarie Saad, na nagtataglay ng sakit na lung cancer.

Nauna rito, noong Pebrero ay ilang beses umanong pinagbantaan si Samoranos ng kanyang amo na siya ay papatayin at kukunin ang kanyang baga para ilipat naman sa baga ng kapatid nito na si Saad na may lung cancer.

Bunsod nito, inunahan na niya ang amo at pinatay umano ni Samoranos ang kapatid ng huli, dahil sa matinding takot na siya pa ang unang mapatay.

Matapos ang insidente ay naaresto naman ng Le­ba­nese Police ang nasabing OFW. 

Show comments