Senior Citizen Party lawmaker, kinasuhan ng kapartido
MANILA, Philippines - Isang kongresista ang sinampahan ng kasong criminal ng kanyang kapartido sa Senior Citizen Partylist.
Ang kinasuhan ay si Senior Citizen Partylist Rep. Godofredo Arquiza. Ang nagsampa ng kasong criminal ay ang 3rd nominee ng partylist na si Francisco Datol Jr.
Sinabi ni Datol, lubhang nasira ang kanyang reputasyon ng ipaaresto siya ni Arquiza noong June 1 at inilabas pa sa telebisyon.
Aniya, nakahanap ng lumang arrest warrant na may petsang 2004 sa Batangas City si Arquiza na kanyang kapangalan na may kasong illegal recruitment.
Wika pa ni Datol, nang makaharap niya ang complainant na si Avelino Mercado sa opisina ni Batangas Prosecutor Gajete ay lumitaw na hindi siya kilala nito at ibang Francisco Datol Jr. ang kanilang ipinagharap ng estafa at illegal recruitment.
Bukod sa kasong estafa na ihahain ni Datol kay Arquiza ay maghaharap din siya ng danyos sa kongresista sa korte sa Nueva Ecija dahil sa kahihiyang idinulot nito sa kanya.
Malaki ang paniwala ni Datol na paraan ito ni Arquiza upang harangin ang kanyang pag-upo sa Enero 2012 bilang 3rd nominee ng kanilang partido kapalit ng 2nd nominee na si David Kho.
- Latest
- Trending