MANILA, Philippines - Ititigil na ng Commission on Elections (Comelec) ang anumang paghahanda para sa eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto 8 matapos aprubahan ng Senado ang panukalang batas na isabay na lamang ito sa 2013 midterm elections.
Ayon kay Comelec chairman Sixto Brillantes, hindi muna sila gagalaw habang hinihintay ang sasabihin dito ng Korte Suprema kung saan tumanggi din muna si Brillantes na magbigay ng komento sa argumento ng mga nagsusulong ng postponement bill.
Iginiit ni Brillantes na hindi malayong may kukuwestiyon sa legalidad ng naipasang panukala kayahintayin na lamang ang desisyon ng Korte Suprema.