^

Bansa

Polusyon sa ilog sa South Cotobato sanhi ng small scale mining

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Natuklasan sa pag-aaral ng Blacksmith Institute sa pamamagitan ng Global?Inventory Project (GIP) na mataas ang antas ng mercury o asoge sa Pulabato River? sa South Cotabato dahil laganap ang illegal na small scale mining sa lugar.

?Iprinisinta na ang GIP findings kaugnay ng Pulabato sa River Provincial Mining?Regulatory Board (PMRB) sa ilalim ni South Cotabato Governor Arthur Pingoy na?dumalo sa presentasyon kamakailan.

?“Right now we attribute the contamination of Pulabato River to small scale? mining since these activities use mercury”, ayon kay Prof. Nelson Pampolina,?environmental biologist at senior investigator para sa GIP ng Blacksmith.

Base sa mga datos, gumagamit ang mga ilegal na nagmimina ng prose­song “sluice”?na tinatawag na “banlas” o paggamit ng tubig sa pamamagitan ng hose para ?mapuwersa ang deposito ng ginto na umangat sa ilog. Sasalain ang umangat na bato ?at buhangin at gagamit ng asoge para humiwalay ang ginto kaya nagkakaroon ng ?kontaminasyon sa ilog at dumidiretso ang kontaminadong tubig sa lupa at water?sources.

Kinatigan naman ni Anacleto Suelto ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ang ?natuklasan ng Blacksmith. Ang SMI ang may hawak sa Tampakan copper-gold project ?sa South Cotabato na magsisimula ang operasyon sa taong 2016.?“As early as 2007 we have detected mercury in Pulabato river”, sabi ni Suelto.

?Nilinaw ni Suelto na may water monitoring data sila mula noong 1995 pero? nagsimula ang kanilang buwanang  monitoring sa ilog mula noong Abril 2007. Base ?sa record ng kompanya, ang SMI ay may 37 surface water monitoring sites, 12 ?stream flow monitoring stations, 6 automatic weather stations, 12 rain gauges at? 17 groundwater observation wells sa mga lugar na sakop ng proyekto nito.  

ANACLETO SUELTO

BLACKSMITH INSTITUTE

INVENTORY PROJECT

NELSON PAMPOLINA

PULABATO

PULABATO RIVER

REGULATORY BOARD

RIVER PROVINCIAL MINING

SAGITTARIUS MINES

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with