^

Bansa

3,000 schools 'kolorum'! - DepEd

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Ibinunyag ng pamu­nuan ng Department of Education (DepEd) na mahigit 3,000 mga pribadong paaralan sa bansa ang ‘kolorum’ o walang permit to operate at akreditasyon mula sa departamento.

Batay sa record ng DepEd, lumilitaw na ang mga rehistradong private elementary schools sa kanila ay nasa 7,084 habang nasa 4,707 naman ang registered private high schools.

Dahil dito, binalaan ni Education Secretary Armin Luistro ang mga may-ari ng mga paaralan na kumuha ng kanilang permit sa kagawaran sa ilalim ng DepEd Order No. 38 series of 2011.

Kung mabibigo at babalewalain umano ng mga may-ari ng mga pribadong eskuwelahan ang kanyang kautusan ay mapipilitan siyang ipasara ang mga ito.

Nabatid din sa DepEd na karamihan sa mga pribadong paaralan ay sa susunod na Linggo pa (June 13) magbubukas ng klase at tumatanggap pa ang mga ito ng mga enrollees.

Kasabay nito, pinayuhan ng kalihim ang mga magulang na beripikahin muna kung may permit, recognition at accreditation ang mga pribadong paaralan na nais nilang pagpasukan sa kanilang mga anak upang makaiwas sa mga kumplikasyon at problema sa hinaharap.

Ayon sa DepEd, ang mga mag-aaral na nakatapos sa mga paaralan na walang permit to operate ay pinakukuha pa ng Philippine Validating Test bago tanggapin sa public school upang mabatid kung may natutunan nga ba sila sa kanilang pag-aaral.

Bagamat ‘in full charge’ ang DepEd sa basic education sa elementarya at secondary public schools, may ‘supervisory powers’ rin naman ito sa mga private schools upang matiyak kung sumusunod sila sa mga ipinatutupad na pa­nuntunan ng pamahalaan.

Inatasan na ng DepEd central office ang lahat ng regional offices nito na magsumite ng pangalan at address ng mga pribadong paaralan na kinikilala, accredited at may permit to operate sa Office of the Undersecretary for Regional Operations.

Ang naturang listahan ay ipapaskil ng DepEd sa kanilang mga tanggapan, mga municipal hall at mga pampublikong lugar upang magsilbing reference at gabay ng mga magulang. 

AYON

BAGAMAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPED

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

OFFICE OF THE UNDERSECRETARY

ORDER NO

PHILIPPINE VALIDATING TEST

REGIONAL OPERATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with