^

Bansa

Diokno nagbitiw sa puwesto

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Nagbitiw kahapon sa tungkulin si Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno makaraanng masangkot siya sa hindi awtorisadong mga paglabas-masok ng detenidong si dating Batangas Governor Antonio Leviste sa New Bilibid Prison.

Personal na ibinigay ni Diokno kay Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang resignation letter nang magpulong sila sa Malakanyang kahapon.

Sinabi ni Diokno na ginawa niya ang hakbang para hindi madamay ang Pangulo sa kontrobersiya sa NBP.

Tinadtad ng mga batikos si Diokno nang madakip si Leviste sa Makati City noong Mayo 8. Nabatid sa isang ulat na tatlong beses nang malayang nakakalabas ng kulungan si Leviste hanggang sa maaresto siya.

Nasentensiyahang ma­ku­long si Leviste dahil sa pagpagtay niya sa isa niyang kaibigan.

“Paniwala ko po di ako dapat sisihin dito. Ako (po) sa policy-making sa opisina. Sad to say, ang opisina (of the BuCor Director) nandoon lang sa NBP,” sabi ni Diokno sa isang pagdinig ng fact-finding panel ng Department of Justice sa isyu ni Leviste.

Sinabi naman ni Diokno na dapat maimbestigahan sa insidente ang chief superintendent...superintendents ng the minimum (security compound), BRSS (Bureau Reservation and Support Services).”

“May raw info na ako na pumupuslit si Leviste. Minemohan ko ang lahat ng superintendent na imoninor nila. Hindi ko obligadong bantayan sila. Ako ang tagapangasiwa sa paggawa ng patakaran. Sabi ko sa kanila, kakasuhan sila kapag hindi nila ipinatupad,” sabi pa ni Diokno.

BATANGAS GOVERNOR ANTONIO LEVISTE

BUREAU OF CORRECTIONS DIRECTOR ERNESTO DIOKNO

BUREAU RESERVATION AND SUPPORT SERVICES

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIOKNO

LEVISTE

MAKATI CITY

NEW BILIBID PRISON

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with