Pagsibak sa Customs chief umugong

MANILA, Philippines - Itinanggi kahapon ng Malacañang na balak nang sibakin ni Pangulong Aquino si Customs Commissioner Angelito Alvarez.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, espekulasyon pa lamang ang lumutang na sisibakin daw ni Pangulong Aquino si Alvarez.

Lumutang na hindi na kuntento si Pangulong Aquino sa pamumuno ni Alvarez sa Bureau of Customs matapos makalusot ang mga smuggled na motorsiklo at sasakyan na pawang nakaw mula sa Estados Unidos.

Maugong na ang ipapalit ni PNoy kay Alvarez sa BOC ay sina dating BIR chief Liwayway Chato o si da­ting Cagayan Valley Rep. Manuel Mamba na pawang kapartido ng Pangulo sa Liberal Party.

Show comments