^

Bansa

5 Mayor kinasuhan sa Sandiganbayan

- Ni Angie dela Cruz -

Manila, Philippines - Kinasuhan ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang isang incumbent Mayor at 4 na ex-Mayor dahil sa ibat ibang iregularidad.

Ito ay makaraang aprubahan ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro ang paghahain ng kaso laban kay Tuguegarao City Mayor Delfin Ting dahil sa illegal na demolisyon ng Tuguegarao City Central Public Market.

Bukod dito, pinakakasuhan din nito sina dating Lucena Mayor Ramon Talaga Jr., dating Sto. Tomas Isabela Mayor Antonio Talaue, dating Calauag Mayor Eric Entienza at dating Morong, Rizal Mayor Jorge Bernardo.

Kasong katiwalian ang hinaharap ni Talaga dahil sa operasyon ng bingo sa BCQ Enterprises sa kanyang hurisdiksiyon ng walang Mayors permit at damay sa kasong ito ang managing head ng Bingo Department ng PAGCor na si Marizmelda Dugayo.

Si Talaue naman ay pinapanagot sa paglabag sa GSIS Act dahil sa hindi pagbabayad ng P22 Milyon na GSIS contribution mula 1997 hanggang 2004.

Falsification of public documents naman ang kaso ni Entienza dahil nag-isyu ito ng sertipikasyon ng empleado ng bayan ng Calauag ang dati niyang live-in partner na si Annaliza de Torres Prudente kahit hindi ito nagtrabaho sa munisipyo.

Samantala si Bernardo naman ay lumabag umano sa article 237 ng revised penal code dahil lumagda pa rin ito ng disbursement voucher kahit noong panahon na ito ay naitalaga na sa Commission on Settlement of Land Problems.

vuukle comment

ACTING OMBUDSMAN ORLANDO CASIMIRO

BINGO DEPARTMENT

CALAUAG MAYOR ERIC ENTIENZA

LUCENA MAYOR RAMON TALAGA JR.

MARIZMELDA DUGAYO

MAYOR

RIZAL MAYOR JORGE BERNARDO

SETTLEMENT OF LAND PROBLEMS

SI TALAUE

TOMAS ISABELA MAYOR ANTONIO TALAUE

TORRES PRUDENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with