^

Bansa

No casualties, utos ni PNoy

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sa kabila na lumihis ang bagyong Chedeng, ipinag-utos ni Pangulong Noynoy Aquino sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan na magkapit bisig upang mapangalagaan ang  taumbayan at walang maaapektuhan sa patuloy na pamamalagi sa bansa ng bagyo.

Partikular na inatasan dito ng Pangulo ang Office of Civil Defense, DILG, DOTC, DSWD, Health gayundin sa MMDA at PAGASA para magtulungan na maipatupad ang “no casualties campaign” ng pamahalaan kaugnay ng bagyo. Hinimok din ng Pangulo ang publiko na ugaliing mapagmasid sa paligid at patuloy na makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan upang maiwasan na maapektuhan ng kalamidad.

Mas maganda anya na may pagtutulungan ang bawat isa upang makaiwas ang taumbayan sa anumang sakuna na tatama sa bansa. Bagamat sinasabi ng PAGASA na lumihis ang bagyo at hindi tatama sa lupa, hindi dapat maging kampante ang taumbayan dahil posible pa ring makaapekto ang habagat na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa bansa.

BAGAMAT

BAGYO

BANSA

CHEDENG

HINIMOK

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PAMAHALAAN

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PARTIKULAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with