Bagyong Chedeng lumakas

MANILA, Philippines - Unti-unting lumalakas ang bagyong Chedeng habang patuloy na kumikilos pakanluran hilagang kanluran kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pag Asa) ganap na alas 10 ng umaga kahapon, namataan si  Chedeng  sa layong  795 kilometro ng silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 120 kilometro bawat oras.

Si Chedeng ay kumikilos sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Ngayong Martes, si Chedeng ay nasa 540 kilometro hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar at sa Miyerkules ay inaasahang nasa layong 360 kilometro silangan hilagang silangan ng  Virac, Catanduanes at sa Huwebes si Chedeng ay inaasahang nasa layong 265 kilometro hilaga hilagang silangan ng  Virac, Cantanduanes o 250 kilometro silangan ng  Casiguran, Aurora.

Gayunman, sinabi ng Pag Asa na si Chedeng  habang mananatili sa bansa ay hindi direktahang makakaapekto sa alinmang panig ng bansa sa susunod na 24 oras.   

Show comments