Summer season hanggang Hunyo
MANILA, Philippines - Patuloy pang makakaranas ng mainit na panahon ang mga taga Luzon laluna ang mga taga Metro Manila dahil extended ang summer season hanggang unang linggo ng Hunyo.
Una nang naiulat ng PAGASA na matatapos na sa ikalawang linggo ng Mayo ang summer season, pero kahapon tinaya ng ahensiya na ang tag-init ay magtatagal pa hanggang Hunyo.
Bunsod nito, sinabi ni Mario Palafox, climatologist ng PAGASA, na kailangan ang ibayong ingat ng publiko sa matinding sikat ng araw na maaaring magdala ng mga sakit sa balat gayundin ng mga respiratory illnesses tulad ng asthma, sipon, ubo at heat stroke.
Gayunman, sinabi ni Palafox na sa Visayas at Mindanao naman ay maulan dahilan sa swallow pressure area doon kayat malamig ang panahon doon ngayon.
Masyadong mainit sa Luzon laluna sa Metro Manila dahil sa walang thunderstorm clouds na maaaring bumuo ng ulan.
Umaabot lamang sa 35 degrees celcius ang init ng panahon sa Metro Manila kahapon.
- Latest
- Trending