^

Bansa

Pulitiko buyer ng hot cars

- Nina Butch Quejada at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Ilang pulitiko ang sinasabing ‘suki’ sa pagbili ng mga smuggled cars at imported big bikes batay sa ‘blue book’ ng negosyanteng si Allan Lynard Bigcas.

Ito ang lumitaw sa isinagawang pagdinig ng house sub-committee on ways and means na pinamumunuan ni Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas.

Nakasaad din sa blue book ni Bigcas ang mga pangalan ng mga ibat ibang pulitiko kabilang ang ilang government officials na umano’y suki sa pagbili ng mga hot cars at imported big bikes.

Kabilang sa lumutang na mga pangalan ng pulitiko na nasa blue book ni Bigcas ay isang Mayor Ali, Noah Dimaporo, isang Mayor Dimaporo, Col. Pimentel, Bullet Jalosjos at isang Gov. Jalosjos.

Iginiit naman ni Bigcas na hindi niya alam na mga ‘stolen cars at bikes’ ang kanyang mga nabili sa US kasabay ang pagtanggi na miyembro siya ng malaking smuggling syndicate.

Aniya, maging sa FBI report ay kinumpirmang hindi niya alam na nakaw ang mga sasakyang kanyang nabili sa US na ipinadala niya sa Pilipinas.

Inatasan naman ni Rep. Fariñas si Bigcas na ibigay sa komite ang mga files at dokumentong mayroon siya upang magsilbing ebidensiya at magpapatunay na inosente siya sa kasong smuggling.

Sinabi pa nito sa ko­mite, nakalusot ang mga ‘katay’ na bahagi ng kanyang biniling big bikes dahil pinadaan niya ito sa pamamagitan ng Fedex at Forex shipping kaya door to door ang delivery nito sa kanya.

Umiwas daw siya sa pagbabayad ng buwis at customs duties pero wala daw siyang balak na ibenta ang mga ito kundi sarili lamang niyang panggamit.

Magugunita na narekober sa bahay ni Bigcas ang may 25 luxury imported cars at motor bikes  na dinala sa Northen Mindanao mula sa Houston Texas at iniulat na nawawala ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na ninakaw matapso na magsagawa ng raid ang pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at FBI noong nakaraang linggo sa Cagayan de Oro City at sa isang bayan sa Bukidnon.

Inamin din ng negos­yante na ibinebanta lamang niya ang mga big bikes at parts nito subalit hindi ang mga baril na ibinibintang sa kanya matapos na makarekober sa bahay nito ng ibat-ibang matataas na uri ng baril tulad ng M15 armalite .45 kalibreng baril at 129 rounds ng live ammunitions.

Giit naman ni Bigcas, nagtrabaho siyang mabuti sa Estados Unidos upang makabili ng mga big bike na tinawag niyang “trophies” para sa kanyang sarili kayat nakabili siya ng tinatayang P3.4 milyon customized na Harley at Davidson na pag aari ng Hollywood writer na si Skip Woods at 15 big bikes kung saan pito dito ay nagkakahalaga ng P250,000 isa.

Sa bandang huli kumambiyo naman si Bigcas at inamin na nagbebenta na siya ng mga naturang sasakyan dahil kailangan niya ang pera dahil sa nalulugi na ang kumpanya nito bukod pa na marami na siya nito at hindi na ginagamit kaya inilalagay ang mga larawan nito sa kanyang facebook account.

Ipinabubusisi naman ni Rep. Fariñas sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang hindi pagbabayad ng buwis ni Bigcas.

ALLAN LYNARD BIGCAS

BIGCAS

BIKES

BULLET JALOSJOS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

ESTADOS UNIDOS

FARI

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

HOUSTON TEXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with