Customs officials kinasuhan ng broker
Manila, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ng isang customs broker na nakabase sa Davao sina Customs Commissioner Angelito Alvarez at Deputy Commissioner Gregorio Chavez, bunsod sa akusasyon na pag-smuggle ng may P5B halaga ng langis.
Sa 6-pahinang reklamo ni Customs broker Jorlan Cabanes sa Office of the Ombudsman Mindanao, sinabi nito na malisyoso, walang basehan at pagpapakita ng pagiging iresponsableng opisyal ang ginawang akusasyon sa kanya at sa Phoenix Petroleum Philippines Inc. ng BoC.
Si Cabanes ay lisensyadong Customs broker ng Seadove Maritime Services Inc. at kabilang sa kanilang kliyente ang independent oil company na Phoenix na una nang kinasuhan ng BoC sa Department of Justice(DoJ) ng smuggling dahil sa hindi umano pagbabayad ng excise at value-added taxes at hindi pagsusumite ng kanilang import documents gaya ng invoices at bills of lading na sa kabuuan umano ay aabot sa P5.14B ang inimport ng Phoenix na oil products sa Thailand sa pagitan ng Hunyo 2010 hanggang Abril2011 na pawang may iregularidad sa naging transaksyon.
Iipinaliwanag ni Cabanes na kasama sa kinasuhan na pawang dokumentado ang kanilang naging importasyon sa nasabing petsa. Galit umano ito dahil mismong ang BOC na may ipinatutupad na patakaran ang lumabag sa kanilang alintuntunin nang magsampa agad ng kaso nang hindi man lamang ito bineberipika sa importer.
Inamin ni Cabanes na nalantad ito sa kahihiyan gayundin ay nasira ang kanyang reputasyon dahil sa maling paratang na naiwasan sana kung naging patas lamang ang BoC at pinagpaliwanag ito.
Tiniyak ni Cabanes na kumpleto ang kanilang mga dokumento para pasinungalingan ang akusasyon ng BoC. Kasong libel, grave misconduct at abuse of authority ang ikinaso nito laban kina Alvarez at Chavez.
- Latest
- Trending