Manila, Philippines - Nilinaw kahapon ni House Speaker Feliciano Belmonte na naipagkaloob na sa mga kongresista ang unang bahagi ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Sinabi ni Speaker Belmonte, na nasa 131 na mambabatas na, kabilang na ang mula sa oposisyon, ang nakatanggap na ng PDAF o mas kilala sa tawag na pork barrel.
Aniya, nasa 90 kongresista, kabilang siya, ang hindi na lamang nakakapagsumite ng kanilang request para sa PDAF.