^

Bansa

P2.6-B scam sa DoH bubusisiin ng COA

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Bubusisiin ng Commission on Audit ang P2.6 bilyong scam sa Department of Health hinggil sa umano’y maanomalyang implementasyon ng Family Health Program.

Ipinag-utos ni COA chairperson Ma. Gracia Pulido Tan sa kanyang mga tauhan na halungkatin ang audit records hinggil dito na ibinunyag ni Senate Majority Leader Tito Sotto.

Tiniyak ni Tan na handa silang makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon ng Senado upang malinawan ang kontrobersiyang iniuugnay sa isinusulong na Reproductive Health Bill.

Sa pagbubunyag ni Sotto, umabot umano sa P2.6 bilyon ang nawa­walang pondo para sa Family Health program ng DoH mula 2008 hanggang 2009 sa ilalim ng Arroyo administration.

Ang pondo ay da­pat ipi­namahagi sa mga local government units ngunit sa pagsisiyasat ni Sotto ay ni-isang sentimo ay walang natatanggap ang LGUs.

BUBUSISIIN

DEPARTMENT OF HEALTH

FAMILY HEALTH

FAMILY HEALTH PROGRAM

GRACIA PULIDO TAN

IPINAG

REPRODUCTIVE HEALTH BILL

SENADO

SENATE MAJORITY LEADER TITO SOTTO

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with