Villar pinakamayan pa ring senador
MANILA, Philippines - Kahit hindi na bilyonaryo, si Senator Manuel Villar pa rin ang pinakamayamang senador ngayong 15th Congress.
Noong 2008, naging bilyonaryo si Villar sa assets na P1,041,383,946 bilyon.
Sa pinakahuling Statement of Assets and Liabilities (SALN) ng mga senator na ipinalabas ng Office of the Senate Secretariat, umabot ang ari-arian ni Villar sa P725 milyon, mas mababa ng nasa P300 milyon kumpara sa assets niya noong 2008. Si Villar ay kumandidatong presidente noong Mayo 2010.
Samantala, si Sen. Antonio Trillanes IV pa rin ang pinakamahirap na may net worth na P3.83 milyon.
Pumangalawa naman sa pinakamayamang senador si Ralph Recto na nakapagtala ng P418.5 milyong ari-arian. Sumunod si Ferdinand Marcos, Jr., P311.5 milyong assets at pang-apat si Ramon Revilla, Jr., P125.7 milyon.
Si Senate President Juan Ponce Enrile ang pang-lima sa may pinakamalaking networth na may P116.07 milyon, sinundan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, P93.6 milyon.
- Latest
- Trending