MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni DILG Secretary Jesse M. Robredo ang mga opisyales ng lokal na pamahalan na mahigpit na magpatupad ng alituntunin para sa mga operasyon ng tricycles at pedicabs na patuloy na bumibiyahe sa mga pangunahing lansangan o national highways.
Aksyon ito ni Robredo matapos na makatanggap ng ulat mula sa regional at field offices nito na ang mga tricycle ay nananatiling nakikipag-agawan ng pagbiyahe sa kahabaan ng national highways sa kabila ng pagbabawal sa mga ito. Binigyan diin ni Robredo na ang tricycles ay maaring mag-operate sa national highways kung wala ng alternatibong madadaanang kalsada ang mga ito, pero kailangan pa ang pahintulot mula sa Department of Transportation and Communication.
Sa Memo Circular 2007-01, bawal mag-operate sa mga national highways ang mga sasakyang may apat na gulong na may bigat na apat na tonelada kung saan ang normal na bilis ay lumampas sa 40 kph.