^

Bansa

Solon sa LTO: Stradcom bayaran na!

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado ang Land Transportation Office na madaliin na nito ang pagbabayad ng obligasyon nito sa Stradcom upang maiwasan na maapektuhan ang operasyon ng LTO-IT system.

Sa ginanap na hearing ng House Committee on Transportation and Communications na pinamumunuan ni Rep. Mercado, kinuwestiyon ang mga LTO officials sa kakayahan nitong ma-meet ang daily transaction demand sa manual status sakaling hindi na makapagserbis­yo ang Stradcom dahil sa kabiguan ng LTO na bayaran ang IT provider nito ng P1.7 bilyon para sa naiserbisyo nito simula Setyembre 2010.

Magugunita na ang LTO sa panahon ni Assistant Secretary Virgie Torres ay nabigong mabayaran ang Stradcom dahil sa “intra-corporate squabble” sa pagitan ni Stradcom President Cesar Quiambao at grupo ng mga negosyanteng sina Bonifacio Sumbilla at Aderito Yujuico.

Nagbunsod ito ng pagsasampa ng apela ni Torres sa QC court upang madetermina kung sinong grupo ang dapat bayaran. Ang naturang kaso naman ang ginamit na dahilan para pigilin ang pagbabayad sa Stradcom. 

Nilinaw din ni Mercado sa LTO kung sa Quiambao group ba ito nakikipag-deal o sa Sumbilla group sa kanilang araw-araw na operasyon sa Stradcom. Sinabi naman ng LTO na sa kasalukuyan ay ang grupo ni Quiambao ang nagdedeliber ng serbisyo sa LTO nationwide.

“I think it is just logical to pay the IT provider which is directly on top of the overall operations of the LTO-IT system. If the LTO computerization bogs down tomorrow, who will you call on to fix it. Will you call on the Quiambao group or the Sumbilla bloc?” pahayag pa ni Mercado sa naturang hearing.

ADERITO YUJUICO

ASSISTANT SECRETARY VIRGIE TORRES

BONIFACIO SUMBILLA

HOUSE COMMITTEE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

MERCADO

QUIAMBAO

ROGER MERCADO

STRADCOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with