Sandiganbayan kinastigo ni PNoy
MANILA, Philippines - Kinastigo ni Pangulong Noynoy Aquino ang ginawang pagkatig ng Sandiganbayan sa plea bargaining agreement ni retired AFP Comptroller Carlos Garcia.
Inatasan na ng Pangulo ang kanyang legal team na ihanda ang motion for reconsideration na ihahain sa Sandiganbayan.
Ito’y kahit pa ibinasura ng korte ang motion for intervention ng Office of the Solicitor General (OSG) at kahit walang legal personality sa plea bargain.
Sinabi ng Pangulo na agad niyang pinulong sina Executive Sec. Jojo Ochoa, SolGen Jose Anselmo Cadiz at Justice Sec. Leila de Lima para pag-usapan ang susunod na hakbang.
Kung hindi tatanggapin ng Sandiganbayan ang kanilang MR, i-aakyat nila sa Korte Suprema ang apela.
Aminado ang Pangulo na dismayado ito sa naging desisyon ng Sandiganbayan at hindi niya ito inakala dahil malinaw ang perang kinulimbat ni Garcia mula sa pondo ng AFP.
- Latest
- Trending