^

Bansa

P22/day dagdag na COLA sa MM workers - wage board

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Inaprubahan kahapon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang karagdagang P22 kada araw sa Cost-Of-Living-Allowance (COLA) ng mga minimum wage earners sa Metro Manila subalit hindi sa basic pay nito.

Sinabi ni Director  Raymundo Agravante, head ng RTWPB-NCR, ang P22 na karagdagan sa COLA para sa mga minimum wage earner ay awtomatikong idadagdag sa basic pay nito kada-araw  ang napagkasunduan ng wage board matapos ang mga isinagawang pagpupulong at deliberasyon.

“The Regional Tripartite Wages and Producti­vity Board in the National Capital Region has approved an increase in the minimum wage in the form of a P22 cost of li­ving allowance, or COLA, bringing the daily compensation of non-agricultural workers in the Metro Manila to P426 per day” pahayag ni Agravante.

Sinabi ng opisyal na sa kanilang pagsusuri ay dapat na P20 ang magi­ging wage increase subalit hindi naman umano ito kaya ng mga employer at kung P13 naman katulad ng kanilang iginigiit ang ibibigay ay hindi ito tutugma sa projection ng nakaraang inflation rate.

Nilinaw naman ng wage board na ang karagdagang P22 COLA ay hindi kasama sa pagkuwenta ng 13th month pay ng mga manggagawa. Dahil dito ay magiging P426 na ang minimum wage sa Metro Manila.

Magugunita na P175 ang hinihinging wage increase ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) habang ang nais naman ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ay P13.35 lamang.   

AGRAVANTE

EMPLOYERS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

RAYMUNDO AGRAVANTE

REGIONAL TRIPARTITE WAGES AND PRODUCTI

REGIONAL TRIPARTITE WAGES AND PRODUCTIVITY BOARD-NATIONAL CAPITAL REGION

SINABI

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

WAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with