^

Bansa

RH bill hindi prayoridad sa Mayo 9 - Tañada

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi umano prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill sa muling pagbubukas ng session sa Lunes, Mayo 9.

Ayon kay Deputy Speaker Erin Tañada, may instruction umano si House Speaker Feliciano Belmonte na wala munang tatalakaying kontrobersyal na panukalang batas tulad ng RH bill.

Sa kabila nito maari naman umanong pag usapan subalit wala ito sa line-up ng plenaryo at hindi rin ito prayoridad at sa halip ay pawang mga committee hearing na lamang ang kanilang gagawin kaugnay sa mga pagtaas ng presyo ng langis.

Giit pa ng mambabatas tulad ng inaasahan ay maraming mga kongresista ang wala sa Lunes na unang araw ng session dahil mayroon pang mga hang-over ang mga ito dahil sa katatapos na laro ni pound for pound king at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Dahil dito kayat  wala na umano silang inaasahang malaking mangyayari sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes.

Ayon naman kay Pa­­ rañaque Rep. Roilo Go­lez, na sa 106 listahan ng pag-uusapan sa plenaryo ng Kamara ay pang 96 ang RH bill bilang patunay umano ito na hindi ta­laga prayoridad ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso ang natu­rang panukalang batas.

vuukle comment

AYON

DEPUTY SPEAKER ERIN TA

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KONGRESO

MABABANG KAPULU

MABABANG KAPULUNGAN

REPRODUCTIVE HEALTH

ROILO GO

SARANGANI REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with