^

Bansa

Purisima binara sa CA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Pinababasura ni House Assistant Minority Leader Zambales (2nd district) Rep. Mitos Magsaysay ang kumpirmasyon ni Finance Secretary Cesar Purisima sa makapangyarihang Commission on Appointments dahil umano sa kaduda-dudang Statement of Assets and Liabilities and Networth at hindi pagbabayad ng buwis mula taong 2006 hanggang 2009.

Nabatid na bago mag-Semana Santa ay muling nagsagawa ng pagdinig ang CA para sa kumpirmasyon ng mga itinalagang opisyal ng pamahalaan, kabilang si Purisima, kung saan natuklasan ang hindi nito pagdedeklara ng kanyang assets.

Ayon kay Magsaysay, walang pinagkaiba si Purisima kay Ang Galing Partylist Rep. Mikey Arroyo at asawa nitong si Ma. Angela na kinasuhan ng tax evasion dahil sa hindi pagpa-file ng income tax return at hindi pagdedeklara ng kanyang mga ari-arian.

Lumitaw sa pag­s­i­­lip ng CA sa joint ITR fi­­ling ng mag-asawang Purisima mula 2007 hanggang 2008 na wa­lang idineklarang kita ang mga ito sa kabila ng pagkakaroon nito ng posisyon sa ilang korporasyon.

Tanging idineklara ni Purisima sa kanyang  SALN ang P234 milyon noong 2009 na may itinaas na P35 milyon mula sa taong 2006.

Dahil dito, sinabi ni Magsaysay na marapat lang na gawin din kay Purisima ang ginawang aksyon ng BIR kung saan kinasuhan nila sa Department of Justice ang mag-asawang Arroyo.

“What is sauce for the goose should be sauce  for the gander,” pahayag ni Magsaysay na na­ngangahulugan na kung ano ang kay Mikey dapat ganun din kay Purisima.

Matatandaan na si­nampahan ng BIR sa DOJ ng P73.85 milyong tax evasion case ang mag-asawang Rep. Arroyo at Ma.Angela dahil sa kabiguan nitong magbayad ng buwis.

Iginiit naman ni Sen.  Francis Escudero, miyembro ng CA, ang pagbibigay-linaw ni Purisima sa nasabing isyu upang hindi ito mapulaan ang kanyang ahensya sa krusada nito laban sa mga tax evader at smuggler.

Kabilang sa mga mi­yembro ng CA na tutol sa appointment ni Purisima si Quezon 3rd District Rep. Danilo Suarez dahil sa umano’y pagkolekta ng buwis na umaabot sa bilyong piso mula sa Pagbilao coal power plant para sa national government  na dapat sana ay ibi­gay  sa provincial government.

vuukle comment

ANG GALING PARTYLIST REP

ANGELA

DANILO SUAREZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

FINANCE SECRETARY CESAR PURISIMA

FRANCIS ESCUDERO

MAGSAYSAY

PURISIMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with