^

Bansa

Bagong Comelec commissioner pinuna sa sablay na pahayag

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hindi pa man pormal na nakakaupo si Augusto ‘Gus’ Lagman bilang pinakabagong commissioner ng Commision on Elections, isang batikang election lawyer na ang nagsabing maaaring hilingin ang pagdiskwalipika dito dahil na rin sa mga sablay niyang pahayag laban sa Precinct Count Optical Scan o PCOS machines na ginamit nitong nakaraang May 2010 national elections.

Ayon sa beteranong election lawyer na si Romulo Macalintal, maaring hilingin ng mga sangkot sa nakabinbing mga election protest case sa Come­lec ang pagkakadiskwalipika ni Lagman o ang boluntaryong ‘di pagsali nito sa mga kaso dahil sa mga “premature” at “uncalled for” na mga pahayag laban sa mga makina na ginamit sa 2010 automated elections.

Pinangangambahan din ng mga tagamasid na ang bagong pahayag ni Lagman na siya ay bukas sa iba pang sistema para sa automation ay maa­ring isang indikasyon na balak itulak muli ng bagong Comelec commissioner ang ni-reject na Open Election System or OES na hindi napili ng Comelec para sa automation noong May 2010.

Ang sistemang ito ni Lagman, ayon sa mga election ex­perts, ay walang garantiya na mapapangalagaan ang mga balota, at posibleng pag-iral muli ng sistema ng dagdag bawas, dahil ang OES ay isang sistema kung saan ang pagbibilang ng mga balota sa presinto ay gagawing manual, at manual ding dadalhin ang mga Election Return sa mga Board of Canvassers, at doon lamang ie-encode sa mga computers ang resulta.

Ayon sa mga tagamasid, ang conflict of interest ni Lagman sa isyu ng poll automation ay maaring maging basehan ng Commission on Appointments para araling mabuti o di kaya ay ibasura ang kanyang nominasyon bilang Commissioner.

Isa pa umanong matibay na dahilan para tanggihan ng CA ang no­minasyon ni Lagman ay ang kaso umano nitong estafa na isinampa sa kanya ng DOJ.

AUGUSTO

AYON

BOARD OF CANVASSERS

COMELEC

ELECTION RETURN

LAGMAN

OPEN ELECTION SYSTEM

PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN

ROMULO MACALINTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with