^

Bansa

'OMG' wag mo kaming takutin

- Butch M. Quejada -

Manila, Philippines - “Ito ang premyo namin matapos kaming aktibong makilahok at bumoto sa isinagawang committee hearings at plenary session para isulong ang pag-impeach kay Ombudsman Merciditas Gutierrez.”

Tugon ito ni Romblon Rep. Eleandro Jesus F. Madrona sa balita na isa siya sa 11 mambabatas na dating governor o mayor na nakalista sa resolusyon ng Ombudsman na iimbestigahan bilang recipients ng fertilizer funds bago ang 2004 national elections.

Tulad ng ibang kongresista, nagpahayag ng pagkabigla si Madrona kung bakit ngayon lamang naglabas ang Office of the Ombudsman ng reso­lusyon hinggil sa umano’y anomalya at planong mag-file ng kasong kriminal laban sa mga mambabatas na bumoto para ma-impeach si Gutierrez.

Ang isyu sa fertilizer fund scam ay kabilang sa articles of impeachment na isinumite ng Kamara laban kay Gutierrez.

Sinabi naman ni Madrona na ang kanyang lala­wigang Romblon ay isa sa mga tumanggap ng naturang pondo mula sa Department of Agriculture, subalit mahigpit nitong itinanggi na personal niyang pinakinabangan ang pondo.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ELEANDRO JESUS F

KAMARA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN MERCIDITAS GUTIERREZ

ROMBLON

ROMBLON REP

SINABI

TUGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with