^

Bansa

PNP sinopla ng PDEA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Tinanggihan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang panukala ng Philippine National Police na magtatag ng isang permanenteng anti-illegal drugs office dahil hindi umano ito kailangan.

Isinumite ng PNP noong Setyembre 9, 2010 sa Malakanyang ang isang panukalang executive order para balasahin ang PNP Anti-Illegal Drugs Special Task Force at tawagin itong “PNP Anti-Illegal  Drugs Office (AIDO).”

Pero sinabi ni PDEA Director General Jose S. Gutierrez sa kanyang sulat kay Pangulong Aquino na may petsang Pebrero 15, 2011 na ang panukalang pagtatatag ng AIDO ay duplikasyon lang ng gawain ng PDEA na hindi tugma sa probisyon ng RA1965 na nagtatag sa PDEA bilang permanenteng institusyon na magiging sentrong ahensiya sa pagpapatupad ng batas laban sa bawal na gamot.

Ikinatwiran pa ni Gutierrez na ang panukala ay taliwas sa tunay na intensiyon ng batas.

Gayunman, kinikilala ng hepe ng PDEA ang mahalagang suporta ng PNP sa paglaban sa iligal na droga kaya dapat ipagpatuloy para mapalakas ang pagtutulungan ng dalawang ahensya.

Pinuna ng PNP sa panukala na ang PDEA ay isa lang pangunahing ahensya at hindi solong ahensiya sa pagpapatupad ng RA9165 kaya dapat magtatag ng PNP Anti-Illegal Drugs Office. 

Layunin ng panukala ng PNP na gawing propesyunal at palakasin ang suporta ng PNP sa PDEA sa mga operasyon kontra sa iligal na droga.

ANTI-ILLEGAL

DIRECTOR GENERAL JOSE S

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS OFFICE

DRUGS SPECIAL TASK FORCE

GAYUNMAN

IKINATWIRAN

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with