15 Pinoy dinukot sa Oman

MANILA, Philippines - Nadagdagan na naman ang bihag ng mga piratang Somali matapos nilang i-hijack ang isang bulk carrier sakay ang may 15 tripulanteng Pinoy kamakalawa sa Oman.

Sa report ng European Union Naval Force-Somalia, hinarang ng mga armadong pirata ang MV Rosalia D’ Amato sakay ng 21 crew na kinabibilangan ng anim na Italian at 15 Pinoy, sa southeast ng Salalah, Oman sa Indian Ocean.

Ang Italian flagged at owned vessel ay patu­ngong Bandar Imam Kho­meini (Iran) mula sa Paranagua (Brazil) nang atakihin ng mga pirata.

Agad namang inatasan ng DFA ang Embahada ng Pilipinas sa Nairobi na alamin ang kalagayan ng mga bihag na Pinoy kasabay ng pakikipag-ugnayan sa manning agency ng mga ito para sa negosasyon sa posibilidad nilang paglaya.

Show comments