Guro pinaalalahanan sa clearance
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan kahapon ng Department of Education ang mga eskuwelahan at guro laban sa pagkolekta ng pera sa mga estudyante kapalit ng pagpapalabas ng students’ clearance.
Ipinalabas ni DepEd Secretary Armin Luistro ang paalala dahil simula na ng pagkuha ng mga graduates ng kanilang clearance para maka-enrol sila sa kolehiyo.
“Pinapaalala ni Sec. Luistro sa lahat ng eskuwelahan at mga guro na huwag kokolekta ng anumang bayarin o materyal para sa pagpapalabas ng students clearance,” sabi ng DepEd sa Twitter account nito.
Pagkatapos ng mga graduation ngayong buwang ito, inaasahang magpapatala na ang mga estudyante sa susunod na level o mag-aaplay sa kolehiyo.
Naunang idiniin ni Luistro na ang hindi pagbabayad sa financial contribution sa eskuwelahan ay hindi dapat gamiting basihan sa hindi pagbibigay o hindi pagpapalabas ng clearance sa bata.
- Latest
- Trending