Pest control service high-tech na
MANILA, Philippines - Hindi na kailangang butasin ang mga dingding at hindi na rin pala kailangang gumamit ng maraming chemical para malaman kung may mga anay sa kabahayan, opisina, bodega at iba pang lugar na pinamumugaran ng mapaminsalang peste tulad ng anay. Ito ang inihayag ng Cabuyao Pest Control na nakabili ng Termatrac T3i na may cutting edge radar at termite/moisture sensor para makumpirma ang presensya ng mga kolonya ng anay sa mga dingding ng iba’t-ibang imprastraktura. Ang Cabuyao Pest Control ang isa sa kauna-unahang kompanya na nakabili ng naturang gadget na gawa pa sa Australia. Bukod sa pagpuksa ng mapaminsalang anay, nag-aalok din ang kompanya ng libreng inspeksyon at iba pang pest control services tulad ng pagkontrol sa daga, ipis, langgam, lamok at iba pa. Para sa iba pang impormasyon tumawag sa 09183878236 at (049)8321626.
- Latest
- Trending