Tiyahin 'sinibak' ni PNoy

MANILA, Philippines - Inalis ni Pangulong Aquino ang kanyang tiyahin na si dating Tarlac governor Margarita “Tingting” Cojuangco bilang pangulo ng Phi­lippine Public Safety College (PPSC).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ipinalit kay Cojuangco si Ruben Platon bilang acting president.

Wika ni Valte, hindi niya batid kung nagbitiw ba si Cojuangco o sadyang pinalitan ni PNoy ang kanyang tiyahin.

Magugunita na sina­lungat ni Cojuangco ang plano ng kanyang pamangkin na ipagpa­liban ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM. 

Show comments