MANILA, Philippines - Humarap kahapon ang recruiter ng binitay sa China na si Sally Ordinario-Villanuva sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa isinampang kaso dito.
Sumuko noong nakaraang linggo si Tita Cacayan, ang sinasabing recruiter ni Villanueva upang harapin ang kaso nitong large-scale illegal recruitment at dahil sa banta sa kanyang buhay.
Si Cacayan ang itinuturong recruiter at nagpadala umano ng maleta na naglalaman ng droga kay Villanueva hanggang sa maaresto ito sa China.
Binitay si Sally noong Marso 30 matapos mapatunayang nagkasala ng drug trafficking sa China. Kasamang binitay din ni Villanueva sina Ramon Credo at Elizabeth Batain na may drug trafficking case din.