DepEd, 'least corrupt'
MANILA, Philippines - Isa ang Department of Education sa “least corrupt” sa mga tanggapan ng pamahalaan sa bansa sa pinakahuling Pulse Asia survey.
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, ang positibong rating na kanilang natanggap ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng lahat ng empleyado ng kagawaran na labanan ang corruption sa lahat ng level ng kanilang araw-araw na operasyon.
Anang Kalihim, pag-upo pa lamang niya sa puwesto ay isinulong na niya ang kampanya na “zero-corruption” na dapat ang lahat ng pagkakagastusan ay dumaan sa “proper documentation”.
Kabilang sa ipinatupad na kautusan ni Luistro ang “no collection policy” sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa, pagtitipid sa pagbili ng mga office equipment at iba pa.
Sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Pebrero 24 hanggang Marso 6, ang DepEd ay pangatlo sa least corrupt government agency, pangalawa ang DOH at una ang DSWD. Ang pinaka-corrupt na tanggapan ng pamahalaan ay ang AFP, pangalawa ang BIR at pangatlo ang LTO.
- Latest
- Trending