MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kapabilidad nito sa pinag-aagawang Spratly Islands sa South China Sea kasabay ng paggigiit na ang Reed Bank na pinagsagawaan ng oil exploration ng Department of Energy (DOE) ay nasasakupan ng teritoryo ng karagatan ng bansa.
Sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban Jr. na ang upgrade ay mag-uumpisa sa paglalaan ng P31-M sa rehabilitasyon ng Rancudo Airfield sa Pagasa Island na inuukupahan ng bansa sa Spratly Island na aprubado na kay Pangulong Benigno Aquino III.