^

Bansa

Merci: Handa ako sa Senado

- Nina Angie Dela Cruz, Gemma Garcia At Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Kampante si Ombudsman Merceditas Gutierrez na maaabswelto siya at hindi magtatagumpay ang impeachment laban sa kanya matapos aprubahan na sa Kamara ang articles of impeachment na magdadala kay Gutierrez sa trial sa Senado para sa umano’y betrayal of public trust.

Sa press conference kahapon, inamin ni Gutierez na nasaktan siya at nalungkot sa ginawa ng Kamara dahil sa mahabang panahon na naglingkod siya sa pamahalaan ay ganito pa ang gagawin sa kanya.

“I feel bad for what happened, nasaktan ako siyempre tao lang ako but I believe, it will not prosper,” pahayag ni Gutierrez.

Sinabi pa nito na inaayos na ng kanyang mga abogado ang paghihimay sa bawat akusasyon na nakasaad sa articles of impeachment laban sa kanya mula sa una hanggang sa huli.

Niliwanag din nito na kahit na nagdesisyon ang Kamara para patalsikin siya sa puwesto, patuloy pa rin siyang magtatrabaho.

Malaki din anya ang kanyang paniwala na kaya nais ng mga mambabatas sa Kamara na siya ay ma-impeach sa Ombudsman upang makakuha umano ang mga ito ng papalit sa kanyang puwesto na maaaring pumabor sa mga mambabatas na may nakasampang kaso sa Ombudsman.

Nabatid na kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa na ang Kamara ay bumoto pabor para sipain ang Ombudsman sa kanyang puwesto.

Sa botong 212 pabor, 46 kontra at 4 ang hindi bumotong kongresista, napatalsik sa Kamara si Gutierrez dahil sa betrayal of public trust kaugnay sa low conviction rates at ang umano’y hindi pag-aksyon sa limang malalaking kaso na isinampa sa kanyang tanggapan tulad ng ma-anomalyang NBN-ZTE deal, pagkamatay ni Philippine Navy Ensign Philip Andrew Pestano case, Euro General, Fertilizer fund scam at Mega Pacific deal.

Nilinaw naman ni House Speaker Feliciano Belmonte na wala silang pangako o pananakot sa mga kongresista kapailt ang overwhelming na boto upang ma-impeach si Gutierrez.

Giit ni Belmonte, ang tanging sinabi lamang niya sa mga Kongresista ay dumalo sa plenary upang magkaroon ng quorum kayat pinabulanan na rin nito ang naunang kumalat na text messages na mula umano kay House Appropriation Committee Chairman Joseph Emilio Abaya na kung sino ang hindi boboto sa impeachment ni Gutierrez ay zero ang makukuhang pork barrel.

Binigyang diin pa ni Belmonte na bagamat ginamit ng nakaraang administrasyon na panglaan sa impeachment ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pork barrel ay hindi ito taktika ngayon ng Aquino administration.

Nilinaw pa ng Speaker na ang proseso ng impeachment ay hindi naglalayong magpataw ng parusa sa sinuman kundi para sa pagpapatalsik lamang sa pwesto ng mga constitutional officials na hindi tumupad sa kanilang mandato.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, tinapos ng Kamara ang mahabang panahong pamamayagpag ng mga tiwali at paglapastangan sa mga institusyon at prinsipyo ng accountability na nakapaloob sa Konstitusyon.

Naniniwala din ang Palasyo na marami pang dapat gawin ang Kamara matapos aprubahan ang articles of impeachment laban kay Gutierrez kung saan ay dapat bumuo na sila ng magagaling na prosecutors sa kanilang hanay.

Nais naman nina Senate Majority Floor leader Sen. Tito Sotto at Sen. Miriam Defensor-Santiago at Tito Sotto na ipatupad ang gag order maging sa mga uupong testigo o sa lahat ng may kinalaman sa gagawing trial, maging ang pagte-text, internet chatting, at anumang uri ng komunikasyon ng mga senator-judge kaugnay sa kaso ni Gutierrez. (Dagdag ulat ni Rudy Andal at Malou Escudero)

BELMONTE

EURO GENERAL

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

GUTIERREZ

HOUSE APPROPRIATION COMMITTEE CHAIRMAN JOSEPH EMILIO ABAYA

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with