BNPP 'wag nang buksan

MANILA, Philippines - Hindi na umano dapat pang buksan ang Bataan Nuclear Power Plant sa Bataan upang pagkunan ng supply ng kuryente.

Sinabi ni Balanga Bataan bishop Ruperto Santos na malaki umano ang epekto ng nuclear sa kalusugan at sa kalikasan lalo na kapag pumalpak ang operasyon nito. Dahil dito, sinabi ni Santos na hindi na kailangan pang buksan ang BNPP.

Hindi umano niya maintindihan kung bakit pilit na binubuhay ang BNPP samantalang mayaman ang bansa sa natural resources at puwedeng gamitin ng pamahalaan ang alternative source of energy.

Kamakalawa ay naghain ng moratorium sa Kongreso ang mga proponent sa pagbubukas ng naturang planta matapos ang pagsabog sa Japan.

Show comments