Articles of impeachment buo na
MANILA, Philippines - Anim na articles of impeachment ang napagdesisyunan ng House Justice committee na ihaharap laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.
Sinabi ni Iloilo Rep. at House Justice Committee Chairman Neil Tupas Jr. na nangunguna sa kanilang pinakamalakas na kaso ang fertilizer fund scam, Mega pacific deal, Euro Generals, NBN-ZTE deal, Pestano case, at ang low conviction rate at incompetence ng Ombudsman kabilang na dito ang plea bargain agreement kay dating AFP comptroller Maj. General Carlos Garcia.
Ang nabanggit na anim na alegasyon ay isailalim sa ground of betrayal of public trust at ihahain bilang bukod na article of impeachment.
Inaasahan namang maisusumite ang draft para aprubahan sa plenaryo sa Lunes o Martes ng umaga kung saan sa paghahain umano ng impeachment ay susundin nila ang pattern na ginamit ng US sa Articles of Impeachment kung saan dapat ay isang article lamang kada isang alegasyon.
Inaasahan ding i-aanunsyo ng komite sa Lunes kung sino pa ang dalawa na magiging miyembro ng 11-man panel na magsisilbing prosecutor sakaling makarating sa Senado ang impeachment complaint.
- Latest
- Trending