^

Bansa

PCG, AFP, PNP, DOH umalerto vs tsunami

-

MANILA, Philippines - Samantala, agad nang pinigilan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat partikular ang bahagi ng Pacific Ocean dahil sa inaasahang tsunami na epekto ng napakalakas na lindol sa Japan.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo, dapat ay magsibalik o tumabi sa pinakamalapit na port ang mga barko lalo na ang maliliit na bangkang de motor.

Hindi na rin pinayagan makalipad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano ng Philippine Airlines at Japan Airlines papuntang Japan at kinansela ito dahil sa tsunami.

Sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na binabantayan na nila ang coastal areas ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte at Isabela kung saan ay nakahanda na ang mga six by six truck ng Philippine Army para sa puwersahang evacuation ng mga residente.

Inabisuhan na rin ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot lalo na sa Northern Luzon.

Sa Bicol Region ay ipinag-utos na ni Albay Gov. Joey Salceda ang paglilikas ng may 90,836 residente sa kanilang lalawigan. Sinuspinde na rin ang klase sa buong Bicol Region.

Isinailalim na rin sa Code white alert ni Health Secretary Enrique T. Ona ang lahat ng mga regional health facilities at mga ospital.

Sa ilalim ng Code White alert, tinitiyak na ang emergency medicines lalo na ang mga para sa may trauma ay agad na malapatan ng lunas at hindi umano dapat nagkukulang kabilang na ang mga X-ray plates at laboratory. (Dagdag ulat nina Ludy Bermudo/Joy Cantos /Ed Casulla/Doris Franche)

ALBAY GOV

BICOL REGION

CODE WHITE

COMMANDANT ADMIRAL WILFREDO TAMAYO

DORIS FRANCHE

ED CASULLA

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

HEALTH SECRETARY ENRIQUE T

ILOCOS NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with